MANILA, Philippines – Nakatanggap ng maagang pamasko ang publiko lalo na ang mga motorista mula sa mga kumpanya ng langis na nagpatupad ngayong araw ng “big time rollback”sa presyo ng kanilang produkto.
Sa Petron, bumaba ang presyo ng kanilang gasolina sa halagang P1.10 kada litro, P1.35 sa diesel o krudo at ang kerosene ay nasa P1.40 na epektibo ngayong araw.
Maging ang Shell at Caltex naman ay may kahalintulad ng halaga at epektibo ang pagpapatupad nito ala-1:00 ng madaling araw.
Nagrolbak din ang Phoenix sa kaparehong presyo habang ang Eastern Petroleum ay nasa P1.10 yung gasolina at ang diesel naman ay nasa P1.30.
Magugunita na noong nakaraang linggo ay nagpatupad na rin ng rollback ang ilang oil companies.