Binata nakuryente tigok

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata nang aksidenteng makur­yente sa Dagupan City, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Jay-ar Estrada, 22, residente ng  nasabing lungsod.

Sa ulat ng Pangasinan Police, naganap ang insidente bandang alas-5 ng hapon habang naglalakad sa palaisdaan para umuwi sa kanilang tahanan ang biktima ay bigla na lang nitong natapakan ang live wire na nakabitin dito.

Bunga nito ay agad nagkikisay ang biktima matapos na dumaloy sa katawan nito ang ma­lakas na boltahe ng kur­yente.

Samantalang kasalukuyan namang pinag­aaralan ng pamilya ng biktima kung magsasampa sila ng kaso laban sa may-ari ng palaisdaan.

Show comments