MANILA, Philippines - Matapos ang masusing imbestigasyon ng pulisya ay lumalabas na hindi totoo o kuwentong kutsero lamang ang napaulat na pagdukot ng mga armadong kalalakihan na lulan ng puting van sa isang 9 anyos na batang Grade IV sa Viewpoint, Banaue, Ifugao.
Magugunita na unang nagsuplong sa pulisya ang pamilya ng biktima na itinago sa pangalang Renz hinggil sa tangkang pagdukot sa biktima sa Sitio Maluhpeng, Viewpoint Banaue, Ifugao kamakailan na ikinabulabog ng lalawigan.
Kaya’t naglatag ng checkpoint ang mga otoridad at pinalakas na intelligence monitoring hanggang sa mapag-alamang kuwentong kutsero lang.
“Based on the interviews acquired from the Brgy. Captain of Viewpoint, the Brgy. Counsils the victim and the witness, there is no attempted kidnapping made for the reason that the statements of the victim and the witness was not consistent”, pahayag ng pulisya.