MANILA, Philippines – Umaabot sa 150 pamilya ang malungkot na sasalubungin ang Pasko matapos ang kanilang mga bahay ay naabo sa naganap na sunog sa Quezon City.
Batay sa ulat, dakong alas-10:05 ng umaga nang maganap ang sunog sa mga kabahayan sa may Palanza St., kanto ng Kapilingan St., Brgy. Dona Imelda ng lungsod.
Nagsimula ang sunog sa tatlong palapag ng bahay na pag-aari ni Medardo Danib at dahil gawa lamang sa light materials ang bahay ay mabilis ang pagkalat ng apoy.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula ganap na alas-12:15 ng tanghali at nasa P500.00 ang halaga ng mga naabong bahay.