Pagka-withdraw sa bangko... trader utas sa P.1-M holdap

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 47-anyos na negosyante matapos na pagbabarilin ng isa sa tatlong sakay ng motorsiklo na nangholdap sa kanya matapos mag-withdraw sa bangko kahapon ng umaga sa Pasay City.

Ang biktima na nasawi dahil sa tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Conrado Hernandez, may-ari ng isang restaurant at  car rental.

Batay sa ulat, bago nangyari ang panghoholdap sa biktima dakong alas-11:00 ng  umaga sa Service Road ng Roxas Boulevard, tapat ng CCP Complex  ay nag-withdraw ang unasa bangko na  pambayad sana   sa isang gasolinahan para sa kanilang car rental business.??

Habang papatawid ang biktima  sa naturang lugar ay biglang sumulpot ang isang lalaki at agad pinagbabaril.

Nang bumulagta ang biktima ay kinuha ng gunman ang bag ng biktima na may lamang aabot sa P100,000, tablet at cellphone.

Sa salaysay ng isang testigo na may backup umano ang gunman na dalawa pang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo na hindi naplakahan at mabilis na tumakas.

Narekober ng pu­lisya sa pinangyarihan ng insidente ang  tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 baril.

Show comments