MANILA, Philippines – Isang Regional Director ng National Police Commission (NAPOLCOM) 9 ang inaresto sa ikinasang entrapment operation kamakalawa sa Zamboanga City.
Kinilala ni Sr. Inspector Dahlan Samuddin, Officer in Charge ng Public Information Office ng Police Regional Office (PRO) 9 ang nasakoteng suspek na si Atty. Macapado Guro.
Batay sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon nang masakote ang suspek sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na elemento ng Regional Intelligence Division (RID) 9, Regional Intelligence Unit (RIU) 9 at Zamboanga City Police sa La Casa Maria, Brgy. Sta Maria ng lungsod na ito.
Batay sa ulat, isang pulis na nakatalaga sa Isabela City, Basilan na hindi na nito tinukoy ang pangalan ang nagreklamo dahilan kinokotongan umano siya ng suspek kapalit ng personal na pabor.
Nagsagawa ng entrapment operation ang mga otoridad at nasakote ang suspek sa aktong tinatanggap ang P 10,000.00 marked money sa nasabing lugar na napagkasunduan ng suspek at ng biktimang parak.