MANILA, Philippines – Muling nagrolbak sa presyo ng kanilang produkto ang isang kumpanya ng langis ngayong araw na ito.
Nanguna ang Pilipinas Shell na epektibo ang pagrolbak ng presyo ng kanilang produkto kaninang alas-12:01 ng madaling-araw.
Nasa P1.75 kada litro para sa gasolina, P1.80 para sa kerosene habang sa diesel naman ay nasa P1.55 kada litro ang ibinaba nito.
Ayon sa pamunuan ng Pilipinas Shell ang muling pagpapatupad ng rollback ay bunsod nang paggalaw ng presyo nito sa pangdaigdigang pamilihan at tiyak na susunod din ang iba pang kumpanya na magbabawas sa kanilang presyo.
Ito na ang pang-anim na beses nang pagpapatupad ng rollback na sinimulan noong Disyembre 7.