Beybi nabigti sa duyan

MANILA, Philippines - Nabigti sa lubid ng kanyang sari­ling duyan ang isang sampung buwang gulang na batang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Ayon sa pulisya dead-on-arrival sa Novaliches District Hospital  ang biktima na si Frederick Ballebar dahil sa ma­tinding suffocation nito bunsod ng pagkakatali ng nylon cord sa kanyang leeg.

Ang insidente ay naganap sa loob ng kanilang bahay sa No. 8 Robina Road, Brgy. Nagkaisang Nayon, Nova, dakong alas-5 ng hapon, matapos na iwanan ang biktima ng kanyang nanay na nakilala lang sa pangalang Aling Josie, sa isa pa nitong anak na si Jennifer, dahil magtatrabaho ito sa kalapit na tindahan bilang store helper.

Habang busy umano si Aling Josie sa ­pag a-asikaso sa kanilang customer sa tindahan, duma­ting umano ang nakatatandang anak nito at ipinabatid sa kanya na ang biktima ay tila patay na habang nakabigti sa nylon na panali sa duyan nito.

Samantala, hindi na pina-imbestigahan ni Aling Josie ang kaso ng anak matapos na lumagda ito ng isang waiver na nagsasaad na wala na siyang intensyon na palawigin pa ang kaso nito.

Show comments