MANILA, Philippines - Nilamon ng lupa ang isang 20-anyos na lalaki matapos na matabunan ito sa naganap na landslide kahapon sa Brgy. Muelle, Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Ang nasawi ay kinilalang si John Ramos Blanca, residente ng Pasi I, Socorro ng nasabing lalawigan.
Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region IV A, bandang alas-2:30 ng madaling araw ay nasa loob ng kaniyang stall na gawa sa mahihinang uri ng materyales ang biktima nang gumuho ang lupa at tumabon dito.
Ang landslide ay sanhi ng malalakas na pag-ulan sa nasabing lugar dulot ng pananalasa ng bagyong Ruby.