Vendor itinumba ng NPA rebels

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang  43-anyos na vendor nang pagbabarilin ng apat na lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng NPA kamakalawa  sa bahagi ng Brgy. Buenos Aires, San Fernando, Masbate.

 Kinilala ang biktimang si Dadik Capisnon, may asawa, ng Brgy. Santa Rosa, San Jacinto, Masbate na nagtamo ng tama ng bala iba’t ibang parte ng katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-12:45 ng hapon ay pabalik na ng kanyang bahay ang biktima nang tambangan ng mga armadong kalalakihan.- Francise Elevado-

Show comments