^

Police Metro

28 kababaihan nare-rape bawat araw

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasa 28 kababaihan at bata ang nagiging biktima ng rape araw-araw sa bansa.

Ito ang ibinunyag ni House Deputy majo­rity leader at Makati Rep. Abigail Binay kaya’t kinuwestyon nito ang pulisya kung bakit hindi nito nasasawata ang nasabing problema.

Sa datos ng kongresista na mula Enero hanggang Setyembre  lamang ng taong ito ay nasa 7,785 na kaso ng rape ang napaulat habang noong nakaraang taon ay nasa 25 kaso araw-araw ang naitala  o sa kabuuang 9,177 kaso ng rape sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kaya nangangamba si Binay na umabot sa 10,000 ang bilang ng nasabing kaso  na sa kaunaunahang pagkakataon ay pinakamataas na bilang.

Kinuwestyon din nito kung bakit kapos sa aksyon at resolusyon sa pagsugpo sa malalagim na pag-atake sa mga kababaihan kabilang ang mga bata.

Mukha anyang natutulog sa pansitan ang ilang miyembro ng PNP dahil kailangan na rin umano ng mas mahigpit na polisiya para malabanan ang nasabing krimen.

Sinabi ng kongresista na statistics ng PNP ang pinagmulan ng kanyang impormasyon na nasa 7,785 na kaso ng rape ang naiuulat araw-araw batay sa blotters ng pu­lisya, barangays at iba pang law enforcement agencies.
 Dahil dito isinusulong din ni Binay ang im­bestigasyon sa pagpapatupad ng Rape Victim Assistance and Protection Act of 1998 kasabay ng kaniyang mungkahi na dagdagan ang women’s desk sa bawat istasyon ng pulisya.

ABIGAIL BINAY

ARAW

BINAY

DAHIL

ENERO

HOUSE DEPUTY

MAKATI REP

RAPE VICTIM ASSISTANCE AND PROTECTION ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with