Presyo ng LPG binawasan

MANILA, Philippines – Sa araw ng Lunes ay magpapatupad ang mga kum­pan­ya ng liquified petroleum gas (LPG) na bawas-presyo.

Nag-abiso kahapon ang Petron Corporation, na magtatapyas sila ng P1.20 kada kilo sa Gasul at Fiesta Gas na may katumbas na P13.20 kada tangke na tumitimbang ng 11 kilogram.

Bukod sa cooking gas, magbabawas din ng hala­gang  P0.65 kada litro sa Xtend Auto LPG ang Petron Corporation.

Ang bawas presyo  ay base lamang sa panibagong pagbaba ng contract price sa pandaigdigang pamilihan.

Huling  nagpatupad ng pagbaba sa presyo ng LPG noong Oktubre 2, 2014.

Show comments