^

Police Metro

Binata na sinalvage ng pulis, nabuhay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Himalang nabuhay ang isang 21-anyos na la­laki na sinalvage ng isang pulis, barangay chairman at dalawang iba pa noong nakaraang buwan sa Brgy. Central, Taguig City.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang mga suspek na sina PO3 Raiden Palma, nakatalaga sa Taguig City Police; Barangay Cental Chairman Nicknok Duenas, Ronilo Laraya at isang hindi pa nakikila­lang suspek.

Ang biktima ay kinilalang si Mike Arnel delos Santos na nagtamo ng walong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kung saan ang ilang bala ay tumama sa kanyang spinal colum malapit sa ari kung kaya’t comatose ang kalahating katawan nito.

Base sa salaysay ng kaanak ng biktima na noong Oktubre 26, 2014, na ala-1:20 ng madaling araw sa Middle St., Signal Village ng nasabing barangay ay natagpuan ang biktima na nakahandusay at may nakalagay na karatula na may katagang “magnanakaw, karnaper ako huwag ninyo akong tularan” ng kanyang mga kaibigan.

Nagkataon naman na may dumaan na isang sasakyan na ang sakay ay isang pulis na nakila­lang si  SPO1 Ricardo Ailes, nakatalaga sa Las ­Piñas  City Police Station, kasama ang dalawang kamag-anak na papauwi sa Taguig City na hini­ngian ng tulong.

Agad na tinulungan nina SPO1 Ailes at dalawang kasama ang duguang si Delos Santos at dinala nila sa ospital at dito ay kanilang nalaman na biktima ito ng salvage.

Kasalukuyang nasa safe house si Delos Santos para sa seguridad nito  at may impormas­yon na nais umanong maki­pag-areglo  ng mga suspek ngunit hindi pumayag ang biktima at pamilya nito.

BARANGAY CENTAL CHAIRMAN NICKNOK DUENAS

CITY POLICE STATION

DELOS SANTOS

MIDDLE ST.

MIKE ARNEL

RAIDEN PALMA

RICARDO AILES

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with