Van na gamit sa pagdukot ng mga kababaihan, umulit

MANILA, Philippines – Sinuwerte ang isang dalagang call center agent na makaligtas sa tangkang pagdukot sa kanya ng dalawang lalaki ng sakay ng isang puting van sa Makati City.

Nagpa-blotter ang biktimang si Gilgette Velasco, ng Barangay Wawa, Balagtas, Bulacan sa Makati police matapos ang naganap na insidente noong Sabado.

Sa salaysay ng biktima, dakong alas-4:00 ng hapon sa kahabaan ng Hotel Drive, Ayala Center, Barangay San Lorenzo Village ay naglalakad ito nang lumapit ang isang van na kinalululanan ng dalawang lalaki.

Bumaba ang isa at ang isa ay nagsilbing lookout  at inalok na sumakay ng van. Tiyempo namang nagpapat­rulya ang isang guwardya at namataan nito ang naturang van at mabilis tumakas ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ang mga suspek na sakay ng nasabing van ay siya rin na may kagagawan sa  tatlong insidente ng pagdukot sa lungsod.

Show comments