^

Police Metro

PNP inatasan ni Roxas tumutok sa illegal logging

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatasan ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas ang bagong talagang si CARAGA Police Regio­nal Office Director na si Chief Supt. David Ombao na tutukan ang problema ng ilegal na pagtotroso sa rehiyon.

 Sa pulong ukol sa  lokal na disaster risk reduction management forum na dinaluhan ni Butuan City Mayor Ferdinand Amante, Jr. at mga opisyal mula sa 86 barangay ng lungsod, binigyang-diin ni Roxas ang malaking epekto ng nasabing  aktibidades na  itinuturong dahilan ng pagbaha sa CARAGA tuwing pumapasok ang buwan ng Enero at tumatagal hanggang Marso.

 “Inatasan natin si RD PNP regional director na talagang sugpuin at hulihin lahat iyang mga illegal loggers na iyan,” pahayag ni Roxas. “Buwan-buwan magsisingilan tayo kung ano na ang nangyayari para talagang makita ng ating mga kababayan na hindi lang ito sa salita.” 

 Inatasan din ng kalihim ang hepe ng Special Action Force na si Police Chief Supt. Getulio Napenas na magtalaga ng dagdag na puwersang makatutulong kay Ombao sa kampanya laban sa ilegal na pagtotroso.

 Sa bahagi naman ng city government, inilatag ni Mayor Amante kay Sec. Roxas ang contingency plan ng lungsod na labis na pinapurihan ng kalihim.

 Ininspeksiyon din ni Roxas ang bahagi ng ilog sa Barangay Leon Kilat kung saan nakumpiska ang mga ilegal na troso may ilang linggo na ang nakararaan.

BARANGAY LEON KILAT

BUTUAN CITY MAYOR FERDINAND AMANTE

CHIEF SUPT

DAVID OMBAO

GETULIO NAPENAS

INATASAN

LOCAL GOVERNMENT SECRETARY MAR ROXAS

MAYOR AMANTE

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with