Singilan ng utang nauwi sa patayan... 2 preso dedo sa duelo

MANILA, Philippines – Dahil lamang sa utang ay nag-away ang dalawang preso na kapwa nila ikinasawi na naganap kamakalawa sa Maximum Security Compound ng  New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City.

Ang dalawang nasa­wing inmate ay kinilalang sina  Henrico Maglasang, nasa hustong gulang, nagtamo ng apat na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at Arisedes Lucero, nasa hustong gulang, nagtamo naman ng mga palo at suntok sa iba’t ibang bahagi ng  katawan matapos itong kuyugin ng kapwa rin nito mga preso.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon sa selda 13 C ng natu­rang bilangguan ay kapwa miyembro ng “Batang Cebu Gang” sina Maglasang at Lucero.

Dito ay siningil umano ni Maglasang si Lucero dahil may utang ito, subalit ayaw magbayad ng huli dahil katwiran nito ay wala siyang  pera.

Nauwi sa pagtatalo ang singilan hanggang nauwi sa away na kung saan ay kumuha ng patalim si Lucero at pinagsasaksak  si Maglasang.

Gumanti naman ang ilang inmate at pinagtulungang gulpihin at pagpapaluin si Lucero hanggang sa ito ay masawi.

Show comments