Leyte vice mayor, itinumba
MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang isang bise alkalde ng dalawang hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa loob mismo ng pag-aaring resto bar kahapon sa bayan ng Villaba, Leyte.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Villaba Vice Mayor Claudio Martin na nagtamo ng pitong tama ng bala.
Batay sa ulat, bandang alas-11:45 ng umaga ay kararating lamang ng biktima sa kaniyang resto bar mula sa pagpupulong ng Sangguniang Bayan at nagpapahanda ito ng pananghalian sa kaniyang mga waitress nang pagbabarilin ng mga suspek na namataang umaaligid sa lugar bago ang insidente.
Mabilis na tumakas sakay sa isang motorsiklo ang mga suspek.
- Latest