^

Police Metro

Imbestigasyon sa ICC, tatapusin agad

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung hanggang Mayo 2015 matatapos ang imbestigasyon sa anomalya sa Makati City building ay nais naman ni Sen. Koko Pimentel na tapusin na agad ang imbestigasyon sa Iloilo Convention Center (ICC) na sinasabing overpriced.

Sinabi ni Pimentel  na naniniwala siyang walang kredibilidad si dating Iloilo administrator  Manuel Mejorada dahil sa pag-amin nitong wala siyang ebidensiya at ang source nito ay Wikipedia sa pag-aakusa Kay Senate President Franklin Drilon Kaugnay ng ICC na sinasabi nitong overpriced.

‘’Kung puro online-online lang iyan, sabihin mo na lang sa amin ang links at kami na ang magre-research,” dagdag pa nito.

Magugunita na inamin ni Mejorada na wala siyang ebidensiya kaugnay sa akusasyon nitong overpriced ang ICC. Magugunitang nagsampa ng plunder si Mejorada kina Drilon, Tourism Sec. Ramon Jimenez, DPWH Sec. Rogelio Singson at TEZA chief Mark Lapid dahil sa umano’y overpriced na ICC.

DRILON KAUGNAY

ILOILO CONVENTION CENTER

KOKO PIMENTEL

MAKATI CITY

MANUEL MEJORADA

MARK LAPID

MEJORADA

RAMON JIMENEZ

ROGELIO SINGSON

TOURISM SEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with