Tatay na nanunog sa anak, nagbigti

MANILA, Philippines – Posibleng hindi nakaya­nan ng isang amang sepulturero na nanunog ng anak ang matinding kurot ng konsensiya kaya’t nagbigti ito sa loob ng isang  museleo sa Manila South Cemetery, Makati City kahapon ng umaga.

Natagpuang naka­bigti bandang alas-8:00 ng umaga ang sepulturerong si Emmanuel Santos at dinala ito sa Sta. Ana Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

Magugunita na kamakailan ay sinabuyan ng biktima ng thinner ang 11-anyos nitong anak na babae habang ito ay natutulog at pagkatapos ay kanyang sinindihan.

Nagtamo ng 2nd degree burns sa iba’t ibang bahagi na nakatakdang operahan sa Ospital ng Makati.

Nagkahiwalay ang mga magulang ng bata dahil sa umano’y pagiging sugapa sa iligal na droga ng nagbigting ama.

Show comments