Babae na sinalvage itinapon sa basurahan

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang biktima ng salvage ang isang hindi pa kilalang babae na ang bangkay ay itinapon sa tambak na basura sa Pasig City kahapon ng mada­ling araw.

Ang biktima ay inilarawan na ang taas ay nasa pagitan ng 5’1”-5’3”, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot ng kupas na maong na short,  kulay itim na sando at kulay pulang jacket na may tatak na Polo Sport Extreme at mayroon din itong tattoo sa magkabilang hita na tribal and flaming ball.

Sa imbestigasyon, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang respondehan ng pulisya ang tawag sa kanila ukol sa nakitang bangkay ng babae na nakalagay sa plastic garbage bag sa tambak ng mga basura sa Reynoso Compound sa Barangay Maybunga ng mga nangangalakal.

Nang buksan ang garbage bag ay nakita ang bangkay ng isang babae na nakabalot pa ng packaging tape ang buong katawan at nakagapos ng nylon cord ang mga braso nito.

Show comments