MANILA, Philippines – Ikinasa ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang proyektong Barkada Kontra Droga (BKD) upang higit na makatulong ang kabataan sa pagpuksa sa problema sa illegal na droga at tuloy maiwasang magumon ang mga ito sa ipinagbabawal na gamot.
Sa ilalim ng proyekto, ang QC sa pamamagitan ng QC Anti Drug Abuse Advisory Council (QCDAAC) na si Belmonte ang chairman ay magkakaroon na ng youth arm sa Dangerous Drugs Board (DDB) upang kapit bisig na mapagtulungang maiwasan ang paglaganap ng bawal na gamot sa lungsod.
Ang mga miyembro ay dapat na mula edad 12 anyos hanggang 25 anyos na isasalang sa training para ipaalam sa kanila ang kahalagahan ng batas, kanilang karaparatan at maaaring gawin ng mga kabataan hinggil sa pagsugpo sa illegal drugs sa kanilang lugar.