Abandonang kampo ng Sayyaf, nadiskubre

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng mga tropa ng 35th Infantry Battalion sa Barangay Danag, Patikul, Sulu ang isa na namang abandonang kampo ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Col. Allan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu, nadiskubre dakong alas-9:30 ng umaga ang kampo kung saan mayroon itong anim na bunkers, isang training area, at kayang tirhan ng  may 30 bandido.

Narekober sa lugar ang dalawang bandila na may tatak na “Sultaniyah Sulu Darul Islam” at “Happy 60th Anniversary Sulu Darul Islam”,  at mga dokumento.

Magugunita na noong Biyernes ay nasawi ang isang miyembro ng ASG sa Barangay Buhanginan, Patikul kasunod ang isang air strike.

Naniniwala si Arrojado na ang kampo ay bago lang na inabandona ng mga bandido dahil sa walang humpay na military operations at nakakaranas din ang mga ito ng pagkagutom.

Show comments