MANILA, Philippines – Nagsampa ng kasong slander at libel ang isang deputy commander ng Makati City police sa Manila prosecutor’s office laban sa isang GRO na nagkamali nang ituro na siya ang nang-rape dito.
Ayon kay Superintendent Jaime Santos, deputy chief ng Makati City police chief na ang maling pagturo sa kanya ng GRO, na itinago sa pangalang Maureen, 29 ay nagbunga ng pagbaba ng kanyang dignidad at reputasyon ng kanyang buong pamilya lalo na ang kanyang misis at anak na babae na dumaranas ng emotional trauma at stress.
Sa dalawang pahinang reklamo ni Santos na ang maling pagturo sa kanya sa krimen ni Maureen sa kanyang larawan bilang nang-rape ay nagresulta ng kasiraan ng kanyang pagkatao at dangal bilang public servant.
Naging tampulan din siya ng mga biro dahil sa maling akusa na siya ang nang-rape kay Maureen.
Kapag siya ay nagpupunta sa SPD headquarters, Fort Bonifacio siya ay sinasaluduhan ng kapwa opisyal at tinatawag na Superintendent Emelo.
Magugunita na si Maureen ay ilan lang sa mga “models” na inaresto ng mga elemento ng Special Operations Group (SOG) ng Southern Police District (SPD) sa isang pagsalakay noong nakalipas na buwan sa Miss Universe Club na matatagpuan sa kanto ng Libertad St. at F.B. Harrison St., Pasay City.
Dinala ni SOG chief Superintendent Erwin Emelo si Maureen sa loob ng opisina nito na kung saan siya ay ni-rape.
Nagsampa ng kasong rape si Maureen laban kay Emelo sa National Bureau of Investigation (NBI) at kasalukuyang nasa Witness Protection Program (WPP).
Ayon kay Santos, isa sa kanyang office staff ang nag-imporma sa pamamagitan ng text messages noong Oct. 28 na ang kanyang larawan ay lumabas sa mga TV news program na itinuturong rapist ni Maureen.
Inamin naman ni Maureen na siya ay nagkamali sa pagturo sa larawan ni Santos bilang si Emelo matapos na isang reporter ang nagpakita ng larawan sa kanya sa cellphone nito.