Fetus iniwan sa restaurant

MANILA, Philippines - Iniwan na parang basura ang isang fetus na tinatayang nasa tatlong buwan sa comfort room ng isang restaurant, sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Police Station 5, dakong alas 10:00 ng gabi nang madiskubre ang fetus na nakasilid sa isang garapon, na itinapon sa basurahan ng comfort room ng  Chomp-Chomp Restaurant.

Sinabi ng waitress na si Danica Exomo na maglilinis siya ng CR dahil papasara na sila  nang maisipang itapon muna sa labas ang basura nang hindi akalaing makikita ang babasaging garapon na may lamang nakalutang na fetus, hindi rin tukoy ang kasarian ng maliit na nilalang.

Ipinaalam niya ito sa kanilang security guard na nagreport naman sa pulisya.

Show comments