^

Police Metro

2 parak, 2 pa tiklosa holdap

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kalaboso ang apat na kalalakihan kabilang ang dalawang bagitong pulis nang holdapin umano ng mga ito ang isang messenger  na may dalang P1.2 million cash na nakatakdang i-deposit ng huli  sa isang bangko kahapon sa Pasay City.

Naghihimas ng rehas ngayon sa Pasay City Police detention cell ang mga suspek na sina  P01 Ronald Villanueva,  33,  ng Block 16 Lot 7 Croatia St.,  Chera Nevada Subdivision,  Cavite City;  P01 Alas Noli Tiu Soliman, 33, residente sa Valenzuela City,  kapwa nakatalaga ang mga ito sa  Central Park Police Community Precinct (PCP) 5 ng Pasay City Police;  Limuel Camposagrado, 28 at  Alexander Pantoja,  32,  binata, parehong  naninirahan sa  Sitio Ilang Barangay San Francisco, General Trias, Cavite, habang pinagha­hanap ng otoridad ang isa pang nakatakas na suspek na si P02 John Mark Manguera.

Kinilala naman ang biktima na si Jeffrey Rabe, 24,  messenger ng Senubi Travel and Tour Company.

Sa report ng Southern Police District, naganap ang insidente alas- 4:30 kamakalawa ng hapon  sa kahabaan ng Macapagal Boulevard, panulukan ng Gil Puyat Avenue (dating Buendia Extension) kung saan sakay si Rabe ng kanyang motorsiklo dala ang P1,002,931.00 para ideposito sa bangko ng biglang harangin ng dalawang suspek na magkaangkas na agad siyang tinutukan at tangayin ang nasabing halaga.

Naglakas-loob si Rabe na habulin ang mga suspek sa tulong ni  PO2 Marlon Manlapaz,  ng Manila Police District, ngunit bigong maabutan.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis naaresto sina Camposagrado at Pantoja sa kanilang bahay dakong alas-5:30 ng hapon at nakumpiska ang isang .9mm na baril at ng beripikahin ay nadiskubreng ito ay pag-aari ni PO1 Villanueva. Inginuso na rin ng mga ito sina Villanueva, Soliman at Manguera.

Sa patuloy na follow up operation nakumpiska ng mga pulis kay  Villanueva ang P349,000.  Nakatakdang sampahan ng kasong robbery at paglabag sa Republic Act 10591   o illegal possession of fire arms ang naturang  mga suspek  sa Pasay City Prosecutor’s Office.

ALAS NOLI TIU SOLIMAN

ALEXANDER PANTOJA

BUENDIA EXTENSION

CAVITE CITY

CENTRAL PARK POLICE COMMUNITY PRECINCT

CHERA NEVADA SUBDIVISION

PASAY CITY POLICE

VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with