12 tiklo sa shabu palit motorsiklo

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya ang 12 katao kabilang ang lider na sangkot sa paglalaganap ng illegal na droga na kapalit ay mga nakaw na motorsiklo sa isinagawang operation ng puwersa ng Cavite PNP at Cavite Highway Patrol Group.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Arlan Gahisan,@ Payak, lider ng gang; Fernando Honorario @ Boyet; Rhubby Vales; Vicenta Mebrano; Rowena Gahisan; Mary Ann Madarang; Mark Anthony Magsayo; Elizalde Luna; Edwin Cutamora; Victor Eladia; Christopher Ariola; Jose Mari Argonza pawang residente ng  Green Valley Subdivision, Molino 2 at 3 ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, alas-6:00 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba kaugnay sa nagaganap na bentahan ng droga at ilan sa mga ipinapalit ng droga ay ang mga motor na kinakarnap sa nasabing lugar at karatig lungsod tulad Imus, Dasmariñas, Rosario, sa lalawigang ito at Las Piñas City.

Narekober mula sa bahay ng mga suspek ang 10 motor na umano’y mga sinangla na galing sa nakaw kapalit ng droga; 3 revolver;1 shotgun; 1 sumpak,  iba’t ibang uri ng bala, at di pa malamang dami ng shabu at paraphernalias.

 

Show comments