^

Police Metro

‘Bakit sila takot na kami ay magsalita’?

Butch Quejada, Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Ang laking sampal sa mukha ng tatlong Senador na walang ibang Senador na nag attend. Ano ba ang kinakatakot nila at ayaw nila kaming pagsalitain?,”

Ito ang inihayag ni United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco at isa rin sa dahilan kung bakit hindi dumalo si Vice President Binay ay dahil sa umano’y maanghang na pahayag ni Senador Antonio Trillanes.

Ayon kay Tiangco, na habang sila nina Bise Presidente at kanyang mga advisers ay nagpapalitan ng kuro-kuro kung dapat bang dumalo  sa hearing ay narinig nila ang balita kay Trillanes na gigisahin nila si VP at pauupuin ng anim na oras para sumagot ng tanong.

Ang pahayag na iyon ni Trillanes ang kanilang naging desisyon na huwag nang dumalo kahit nagbigay ng assurance si Senator Guingona sa kanyang sulat kay VP na siya ay hindi babastusin at tatratuhin na parang kriminal nila Trillanes.

Ayon pa kay Tiangco na ang pagpunta ng isang  Vice President sa hearing ay makakaapekto sa mga magiging  Vice Presidents na ipapatawag ng  mga senators na may sariling agenda.

“Sa buong kasaysayan ng bansa, wala pang Bise Presidente ang humarap sa Senado dahil yan ay bahagi ng respeto sa institusyon,” wika ni Tiangco.

Idinagdag pa ni Tiangco na bagama’t sinabi nila na takot harapin ni Vice President Binay ang mga senador ay kanyang ipinaalala ang naging pahayag noon January 2010 ni Senator Alan Cayetano nang ipinapagtanggol nito si Senator Manny Villar  sa C-5 controversy nang sabihin nito na hindi totoo na ang isang tao ay duwag dahil sa namimili ito ng lugar na para ipagtanggol ang sarili.

“Bumaligtad si Caye­tano sa sinabi niya at bumaligtad ulit sa sinabi niya nung October 8, nang sinabi nya na ‘welcome po ang kampo ng mga Binay i-submit ang kahit anong ebidensiya. Welcome silang magpadala ng mga witnesses nila na magte-testify dito’,” wika ni Tiangco.

 

AYON

BISE PRESIDENTE

NILA

SENADOR

SENADOR ANTONIO TRILLANES

SENATOR ALAN CAYETANO

TIANGCO

TRILLANES

VICE PRESIDENT BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with