Rapist binigti ang sarili

MANILA, Philippines – Sa takot na makulong ng habambuhay sa kasong isasampa sa kanya matapos na halayin ang step daughter ay mas ninais pa ng isang 50-anyos na lalaki ang magbigti habang nasa selda ng Caloocan detention cell kahapon ng madaling-araw.

Ang suspek ay kinilalang si Diovito Hugo Delestra, ng Bagong Barrio, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang madiskubre ang nakabigting bangkay ni Delestra ng kapwa bilanggo sa loob ng selda.

Ginamit umano ng suspek sa pagbibigti ang mga pinunit nitong suot na damit na kanyang pinagbuhol-buhol.

Ang suspek ay inaresto noong nakaraang Linggo nang ireklamo ng panghahalay ng paslit na anak-anakan nito at nakatakda na sanang sampahan ng kasong rape kahapon sa Caloocan Prosecutor’s Office.

Show comments