^

Police Metro

2 kampo ng Sayyaf nakubkob

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakubkob ng tropa ng pamahalaan ang dalawang kampo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu sa patuloy na ginagawang pagtugis ng militar.

Sinabi Col. Allan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu, na ang dalawang kampo ay pansamantalang tuluyan ng mga bandido.

Bago ito ay nagsagawa muna ng air strike ang Armed Forces of the Philippines laban sa bandido sa Barangay Bungkaong, Patikul, Sulu kahapon ng alas-6:30 ng umaga sa panguna ng MG-520 attack helicopters matapos na mabatid ang presensya ng 150 bandidong ASG sa lugar noong pang Biyernes ng gabi na nagkakatay ng mga kambing bilang pagkain nila.
Ang grupo na pinamunuan ng isang Hatib Adjan Sawadjaan, ang nasa likod ng pagdukot sa dalawang German tourists na sina  Stefan Viktor Okonek, 71 at Henrike Dielen, 55, na napalaya noong Oct. 17 matapos na umano’y magbayad ng ransom na P250-milyon.

ABU SAYYAF GROUP

ALLAN ARROJADO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARANGAY BUNGKAONG

HATIB ADJAN SAWADJAAN

HENRIKE DIELEN

JOINT TASK GROUP SULU

PATIKUL

SINABI COL

STEFAN VIKTOR OKONEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with