Bar manager dedo sa customer

MANILA, Philippines - Patay ang isang babaeng manager matapos itong barilin ng isa sa dalawang lalaki na pumasok sa loob ng pinagtatrabahuhang bar ng una sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. 

 Ang biktimang nagtamo ng tama ng bala ng shotgun sa ulo ay nakilala lamang sa mga “aliases nitong Mommy Sandy at Rose, manager ng 311 Karaoke Bar, residente ng Lot 4, Block 48D, Phase 2, Barangay Longos, Malabon City habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Lumalabas sa report ng  Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente  alas-12:30 ng madaling araw sa loob ng 311 Karaoke Bar na matatagpuan sa #621 A. Mabini St., Sangandaan ng naturang lungsod kung saan bigla na lang pumasok ang mga suspek at pagkakita sa biktima ay mabilis itong binaril ng dalang sumpak ng una.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang mga suspek.

 

Show comments