Design proposal sa ‘rest house’ ni Binay, peke
MANILA, Philippines - Isang arkitekto na tinukoy ni dating Vice Mayor Ernesto Mercado na nag-desenyo ng rest house sa isang farm estate sa Rosario, Batangas na umano’y pag-aari ng pamilya ni Vice President Jejomar Binay ay nagsabi na hindi niya lagda ang sinasabing design proposal na iprinisinta sa Senate hearing.
Ayon kay Architect Rodolfo Bongato, forged o huwad ang nabalitang written at design proposal na umano’y isinumite nito sa JCB Farms noong Setyembre 10, 1997 na nalathala sa front page ng pahayagang Inquirer. Aniya, peke ang ipinakitang design proposal at isang malaking kasinungalingan ang alegasyon ni Mercado na nagdidiin sa kanyang pangalan.
Sa affidavit na ginawa ni Bongato nitong Oktubre 30, sinabi ni Bongato na hindi siya kailanman nagsumite ng nasabing design proposal at malinaw umano na isa itong kaso ng “forgery” dahil ang lagda na lumabas sa taas ng kanyang pangalan ay malayong-malayo sa orihinal nitong signature.
“I have never designed a rest house for JCB Farms in Rosario, Batangas or in any other location. The signature over my printed name as appearing in the proposal is not mine. It is a clear FORGERY as I have never signed the same,” ani Bongato.
Binigyang-diin ni Bongato sa kanyang affidavit na ang halaga ng nasabing proposal ay hindi normal na presyo na kanyang sinisingil para sa kabuuang serbisyo nito sa pagdedesensyo ng isang buong proyekto.
“I am executing this affidavit to attest to the truth of the foregoing facts and BELIE in the strongest possible terms the genuineness and authenticity of the said proposal and anyone who will be peddling the same as (sic) genuine is committing a BLATANT LIE,” ani Bongato.
Si Bongato na miyembro ng United Architects of the Philippines ay tumatayo ring pangulo ng Rodolfo Roque Bongato Architects, dating Rodolfo Roque Bongato & Associates.
- Latest