Rapist takot makulong, nagpakamatay

MANILA, Philippines - Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagsaksak sa sarili ang isang 31-anyos na lalaki na may kasong pangre-rape sa dalawang paslit sa bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte.

Ang suspek na nagpatiwakal na idineklarang dead- on-arrival sa  ospital dahil sa malalim na saksak sa tiyan ay kinilalang si Arcinio Martonillas, 31.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pagsaksak ng suspek sa sarili kamakalawa ng alas-5:00 ng hapon sa bahay nito ay inireklamo ito ng kanyang ka-live na si Marichu Acabo, 27 nang panghahalay matapos na madiskubre na hinalay ang kanyang dalawang anak na babae na may edad 8 at 6 noong Oktubre 23.

Nalaman lang ang pangyayari nang mapansin ng ina ang mga anak kakaiba ang ikinikilos at kapwa paikaikang luma­kad hanggang sa ipagtapat ng mga ito na sinalbahe sila ng suspek.

Nang komprontahin ng ginang ang suspek ay nagbanta ito na magpapakamatay kapag nagsup­long ito sa pulisya.

 Hindi natakot ang ginang sa banta ng suspek at kamakalawa ay  nagtungo ang una sa pulisya at  naghain  ng reklamo.

Nagtungo naman ang mga pulis sa bahay para arestuhin ang suspek, subalit nagkulong ito sa silid saka nagsaksak sa sarili.

 

Show comments