Senglot utas sa hagdanan

MANILA, Philippines - Ang sobrang kalasingan ng isang 40-anyos na lalaki ang naging dahilan ng  kanyang kamatayan matapos na siya ay mahulog sa hagdanan sa loob ng Pritil market, Zamora St., Tondo, Maynila, kamakalawa.

Namatay noon din ang biktma na kinilala sa pamamagitan ng identification card na nakuha  sa wallet nito na  si  Marco Gabreno, 40, delivery checker, ng Block 12-A, Lot 11, Phase 2,  Area 3 Dagat-dagatan, Malabon City.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang makita ng mga tindera ang biktima na susuray-suray na bumababa ng hagdan nang bigla itong nawalan ng balanse at nahulog at namatay noon din dahil sa pagkabiyak ng baba nito na posibleng tumama ang ulo sa semento nang ito ay bumagsak. -Ludy Bermudo-

Show comments