MANILA, Philippines - Sinabi ni PCOO Sec.Herminio Coloma Jr., na hindi ginamitan ng pressure ni Pangulong Benigno Aquino III ang US government kaya inilipat sa Camp Aguinaldo si PFC Joseph Scott Pemberton.
“Batid naman natin kung sino ang mga opisyal ng Department of Foreign
Affairs [DFA] at ng iba pang mga ahensya. Ang Pangulo ay chief executive. Siguro naman, kilalanin natin na hindi naman kailangan na siya mismo ang maging involved sa bawat kilos,” paliwanag pa ni Coloma.
Aniya, boluntaryo ang ginawa ng US government na maiwan si Pemberton
at ilipat sa Camp Aguinaldo pero nasa ilalim pa din ito ng custody ng US na mayroong kooperasyon lamang ng Pilipinas.