^

Police Metro

OFWs bawal sa bansang may Ebola

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagpalabas ng advisory ang POEA (Philippine Overseas Employment Agency) na hindi muna papayagan ng pamahalaan ang mga returning overseas Filipino workers (OFWs) na bumalik sa mga bansang apektado ng Ebola Virus Disease (EVD).

Sinabi ni POEA administrator Hans Leo Cacdac na ititigil muna nila ang pagproseso ng mga returning OFWs sa tatlong West African countries na apektado ng sakit, kabilang na ang Guinea, Liberia at Sierra Leone.

Mananatili aniya ang naturang polisiya hanggang sa magkaroon ng kaukulang koordinasyon ang Department of Fo­reign Affairs (DFA) at Department of Health (DOH) at tuluyan nang matiyak ang kaligtasan ng mga OFWs.

Una na ring ipinagbawal ng POEA ang pagpapadala ng mga newly-hired OFWs sa Guinea, Liberia, Sierra Leone at iba pang bansang posibleng EVD-contaminated.

DEPARTMENT OF FO

DEPARTMENT OF HEALTH

EBOLA VIRUS DISEASE

HANS LEO CACDAC

MANANATILI

NAGPALABAS

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT AGENCY

SIERRA LEONE

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with