Kelot patay sa tandem

MANILA, Philippines - Naisakatuparan na ang pagpatay sa isang lalaki na nakatanggap ng  text message na ‘gawa na ang bala na papatay sayo’ may anim na buwan na ang nakakalipas nang ito ay pagbabarilin kamakalawa ng gabi ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo sa kanto ng Zone 6 Brgy Belen, Calabanga, Camarines Sur.

Nasawi doon din dahil sa tama ng bala sa likod ang biktima na kinilalang si Esmundo Amasola, nasa hustong gulang, residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-6:40 ng gabi ay kababa lang ng tricycle ang biktima galing sa Poblacion ng biglang sumulpot ang dalawang armadong kalalakihan at agad itong pinagbabaril.

Tinamaan naman ng ligaw na bala sa tiyan ang isang taong gulang na si Julia Buenaventura habang karga ng kanyang ina sa loob ng isang tricycle.

 

Show comments