Mister nanggahasa ng aso

MANILA, Philippines - Isang mister ang ipinaaresto matapos na mahuling ginagahasa ang aso ng kanilang kapitbahay kamakalawa sa Brgy. Cubacub, Mandaue City.

Ang suspek na kinilala sa pangalang Danilo Udto, 36, jobless, matapos na ireklamo ng may-ari ng asong mixed breed poodle na  si Salvador Secuya, 53.

Bago ang panggagahasa ay nakipag-inuman umano ang suspek na tubong Ubay, Bohol sa kaibigan na habal-habal driver sa kanilang lugar at bandang alas-4:00 ng madaling-araw nang magpaalam itong uuwi na.

Naispatan nito ang aso na nakatali sa harapan ng bahay ni Secuya na kung saan ay  agad naghubad ng pantalon at ginahasa ang aso.

Naalimpungatan si Secuya nang  marinig ang pag-ungol ng asong nasasaktan  at nang kanyang tingnan ay nakita ang suspek na ginagahasa ang kanyang alagang aso.

Hinila nito ang suspek palayo sa kaniyang nakagapos na aso at inireklamo sa Mandaue City Police Station 6 at inaresto ang suspek.

Nang suriin ang aso ay nakitang duguan ang ari nito bunga ng panghahalay ng suspek kaya’t ginamot ito ng betadine.

Matapos ang ilang oras ay pinawalan ng pulisya ang suspek nang iatras ni Secuya ang kaso.

Show comments