^

Police Metro

Veterans hinimok na maging aktibong kasapi sa VFP

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan ang magiging kinatawan ng Senior Citizens sa House of Representatives  na si Francisco Datol Jr. sa lahat ng beterano sa buong bansa at kanilang asawa at mga anak  na maging aktibong kalahok ng Veterans Fede­ration of the Philippines (VFP) para makatulong sa repormang pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin.

Pinal na iniutos ng Supreme Court (SC) sa Comelec na iproklama sina Datol at dating Rep. Godofredo Arquiza Jr. bilang kinatawan ng Senior Citizens sa Kongreso kaya nangako siya na kapag nakapuwesto ay tutulong para sa kagalingan ng mga beteranong pawang nakatatanda na rin.

Ayon kay Datol, nabasa niya ang bagong constitution and by-laws (CBL) ng VFP sa pamamagitan ng primer na ipinamimigay ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) at naniniwala siyang dapat magparehistro ang lahat ng beterano gayundin ang kanilang asawa at mga anak upang maging tunay na “umbrella organization” ang VFP ng lahat ng grupo ng mga beterano sa buong bansa.

Naunang nilinaw ni Sec. Gazmin na siya ang nagpahintulot sa kumbensiyon  ng VFP noong Mayo 16-17, 2014  sa Taguig City para maunawaan ng mga kasapi ang bagong CBL na nilagdaan niya noong Hunyo 25, 2013 matapos ang mahabang konsultasyon.

Pero, pinalabas ng nagpakilalang media relations officer ng pederasyon na si Luzviminda  C. Marasigan na tinutulan ng 182 opis­yales at miyembro ng VFP ang bagong CBL.

Gayunman,  pinabulaanan ito ng mga nagsidalo na karamihan ay retiradong opisyal at miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP)  dahil gusto rin nila ang repormang ipinatutupad ni Sec. Gazmin.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DATOL

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

FRANCISCO DATOL JR.

GAZMIN

GODOFREDO ARQUIZA JR.

HOUSE OF REPRESENTATIVES

SENIOR CITIZENS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with