^

Police Metro

US Marine kakasuhan ng murder sa pagpatay kay ‘Jennifer’

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang kasuhan ng murder ang US Marine na responsable sa pagpatay sa isang Pinoy transgender na naka-date nito sa Olongapo City, Zambales noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang nasabing suspek na si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton, miyembro ng US Marine Corps 2nd Battalion 9th Marines na nakabase sa Camp Lejuene, North Carolina sa Estados Unidos.

Ang suspek  ay positibong itinuro ng testigo na siyang pumatay sa 26-an­yos na transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer  sa inupahang kuwarto ng Celzone Lodge, Magsaysay Drive, Olongapo City.

Nakasubsob ang mukha sa inidoro na nagtamo ng mga pasa sa mukha at iba pang bahagi ng katawan, may bakas ng sakal sa leeg ay nadiskubreng hubo’t hubad sa Room 1 ng nasabing lodging house noong Oktubre 12 ng madaling araw si Laude.

Isang joint investigation ang inilunsad kasama ang ilang representative ng US-National Criminal Investigation Service na pinamumunuan ng mismong NCIS attache na ayaw naman pangalanan dahil sa kahilingan na rin na huwag banggitin ang pangalan nito.

Kasalukuyan nasa ay kustodiya na ng US military ang nasabing suspek partikular ng kaniyang Commanding Officer.

Si Pemberton ay sakay ng USS Peleliu na isa sa mga warship ng Estados Unidos na nakilahok sa katatapos lang na PHIBLEX 15 PH-US joint military exercises.

Samantala, binigyan ng kasiguraduhan ng Malacañang ang pamilya ng pinaslang na transgender sa Olongapo City na makakamit nito ang hustisya kasabay ang proteksyon ng pamilya nito.

Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. sa media brie­fing na mismong si Pangulong Benigno
Aquino III ay nagbabantay sa kaganapan sa pagpaslang kay Laude.
Pinigil namang makaalis ang barko sa Pilipinas kung saan ay nakasakay ang suspek na si Scott kasabay ang paniniguro ng US Embassy ng
kanilang kooperasyon sa isinasagawang imbestigasyon sa pagpatay sa transgender.
Mismong si US Ambassador Philip Goldberg  ang naniguro na makikipagtulungan sila sa gobyerno sa imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng pagpaslang sa transgender kasabay ng pakikiramay nito sa pamilya.- Joy Cantos, Rudy Andal

AMBASSADOR PHILIP GOLDBERG

CAMP LEJUENE

CELZONE LODGE

COMMANDING OFFICER

ESTADOS UNIDOS

HERMINIO COLOMA JR.

JEFFREY LAUDE

JOY CANTOS

OLONGAPO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with