3 mag-utol dedbol sa kinaing pawikan

MANILA, Philippines – Nasawi ang tatlong paslit na magkapatid habang naratay naman ang kanilang magulang matapos malason sa kinaing karne ng pawikan na ulam nila sa tanghalian na naganap sa Brgy. Liang, Irosin, Sorsogon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jose Bernard, 5; Jovelyn, 1 taon at anim na buwan at bunsong si Jacob.

Sa ulat, nabili ng mag-asawang Pio at Teresa Alon ang karne ng pawikan sa isang Norman Gacias, isang fish vendor mula sa Matnog.

Iniluto ng mag-asawa ang karne at ipinakain sa mga anak.

Kinaumagahan nang isugod, ang pamilya sa Irosin District Hospital dahil sa pagsusuka at ma­tinding pananakit ng tiyan at idineklarang dead-on-arrival ang magkakapatid sa pinagdalhang ospital.

Show comments