Jewelry shop sinimot ng acetylene gang

MANILA, Philippines – Halos nasimot ang iba’t ibang uri ng alahas ng isang jewelry shop nang ito ay pasukin ng umanoy mga mi­yembro ng acetylene gang sa Binondo, Maynila.

Natuklasan lang ang pagnanakaw kahapon ng alas-9:20 ng umaga sa pagbubukas ng QT Gift Items, na matatagpuan sa panulukan ng Ongpin at Puyat Sts., ng tinderang si Charito Malibiran nang madiskubre na wala na ang mga alahas na paninda na aabot sa mahigit P500,000.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakita ang wasak na sementadong kisame ng nasabing jewelry shop na tinungkab gamit ang acetylene.

Nabatid din na sinira muna ang nakakabit na CCTV ng jewelry shop bago ito inumpisahang pagnakawan.

Show comments