28 ‘batang hamog’ naaresto sa Makati

MANILA, Philippines – Nasa 28 mga kabataang pasaway na tinatawag na “batang hamog” ang pinagdadampot ng mga tauhan ng Makati Anti-Drug Abuse Council sa isang operasyon kahapon.

Nabatid na dakong alas-7:00 ng umaga ng isagawa ang operasyon sa  Barangay Palanan, San Isidro, Poblacion, at Guadalupe Nuevo.

Una nang nagsagawa ng operasyon noong nakaraang linggo ang MADAC na nagresulta sa pagkakadampot sa 11 kabataan na pinaniniwalaang miyembro rin ng Sputnik Gang at sangkot sa pandurukot, snatching at pangmomolestiya sa mga estudyante.

Show comments