Lola, 2 apo sugatan sa landslide

MANILA, Philippines – Nasugatan ang isang lola at dalawa nitong apo sa naganap na landslide sa  Antipolo City, kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Leonora Montablan, 72, at dalawang apo na sina Sycil Carmano, 3, at Lhynjay Carmano, 1.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nang maganap ang landslide sa Sitio Bagong Purok, Barangay San Jose, Antipolo City.

Nabatid na habang nasa kasagsagan ng malakas na ulan ay lumambot ang lupa malapit sa bahay ng mga biktima hanggang sa bumagsak ang bahagi ng pader ng Asian School of Business and Techno­logy na siyang sinasabing dumagan sa bahay ng mga biktima na sandaling iyon ay  nagpapahinga.

Agad naisugod sa pagamutan ang mga biktima na kasalukuyang nagpapagaling sa mga tinamong pinsala sa katawan.

Show comments