Oil firms humabol sa bigtime rolbak
MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng maraming motorista ang paghabol ng apat na kumpanya ng langis sa ipinatupad na “bigtime rollback” kahapon ng madaling-araw.
Unang naiulat ang rolbak na ipinatupad ng kumpanyang Petron Corporation at sumunod ang Pilipinas Shell na nagtapyas ng presyo ng kanilang produkto.
Nasa P1.10 kada litro ang itinapyas ng Shell sa premium at unleaded gasoline; P1.55 kada litro sa diesel at P1.60 kada litro sa kerosene.
Nagbaba rin ng presyo ang independent player na PTT na nagtapyas ng P1.20 kada litro sa gasolina at P1.55 kada litro sa diesel. Ang Seaoil naman, P1.20 kada litro ang ibinaba sa litro ng gasolina; P1.65 kada litro ng diesel at P1.60 sa kerosene.
Una namang nagdeklara ng P1 kada litrong rolbak sa gasolina at biodiesel ang kumpanyang Flying V ngunit dinagdagan rin ang tapyas presyo ng P.40 kada litro sa gasolina at P.60 kada litro sa biodiesel kaya’t umakyat sa kabuuang P1.40 kada litro ang itinapyas nila sa presyo ng gasolina at P1.60 sa diesel.
Ang epekto ng bawas-presyo ay pagbaba rin sa presyo ng inaangkat na produktong petrolyo sa internasyunal na merkado.
- Latest