MANILA, Philippines – Umaabot sa 88 most wanted person ang nadakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation sa loob ng 10 araw na operasyon.
Sinabi ni CIDG chief, Police Director Benjamin B. Magalong, maayos na natugaygayan ng kanilang operatiba ang mga wanted person sa itinuturing nilang areas of responsibility simula noong October 1-October 10, 2014 na kinukonsidera nilang matagumpay na kampanya nila.
Nabatid na ang kasong rape ang pinakamataas na krimen ang nagawa ng pitong suspek na kasama sa naaresto.
Habang ang iba pang nadakip ay naharap naman sa kasong oral defamation, paglabag sa RA 7610, acts of lasciviousness, RA 9262, estafa, theft at adultery.