2 bebot timbog sa P3M shabu
MANILA, Philippines - Nadakip ang dalawang babaeng tulak ng droga nang makuhanan ang mga ito ng nagkakahalaga ng P3 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng isang motel sa Iloilo City, iniulat kahapon.
Ang mga suspek na sina Anna Rocel Parreño, 24; at Analyn Cabrobias, 23, mga residente sa San Jose, Antique ay nadakip ng mga otoridad sa buy-bust operation sa Room 128 ng isang drive-in motel sa Barangay Bolilao, Mandurriao, Iloilo City, alas 7:30 ng gabi, kung saan nagkunwaring bibili ng shabu ang isang PDEA agent.
Nakuha sa mga suspek ang apat na malaking plastic sachets na naglalaman ng 500 gramo ng shabu na nakabalot sa isang carbon paper at sinelyuhan ng plastic tape, gayundin ang dalawang mobile phones.
Sina Parreño at Cabrobias ay nakaditine sa PDEA RO6 jail facility sa kasong paglabag sa RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest