Suspek sa pagpatay sa nanay ni Cherry Pie Picache, tiklo

Naaresto ng mga pulis ang suspek na si Michael “Icoy” Flores, 29 sa Sta. Rosa, Laguna. Si Flores ang pumatay sa ina ng aktres na si Cherry Pie Picache na si Zenaida Sison, 75-anyos sa loob ng bahay nito sa Quezon City noong Setyembre 19. (Bening Batuigas)

MANILA, Philippines – Nalambat na ng pulis­ya matapos ang mahigit 19 araw ang pangunahing suspek sa pagpatay sa ina ng aktres na si Cherry Pie Picache kamakalawa ng gabi sa Brgy. Malusak, Sta Rosa City, Laguna.

Ang suspek na si Michael “Icoy” Flores, 29-anyos, ay namataan habang naninigarilyo sa labas ng Garden Villa 3 Subdivision sa nasabing lugar.

Nabatid na  nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na sa nasabing lugar nagtatago ang suspek nang dak­pin ng pinagsanib na pwer­sa ng Philippine National Police (PNP) Sta. Rosa, Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) at National Bureau of Investigation (NBI).

Si Flores umano ang nagmamay-ari ng duguang damit at shorts na nakita sa loob ng tirahan ng 75-anyos na si Zenaida Sison sa Quezon City kung saan ito pinagsasaksak noong Setyembre 19 habang nasa  kasagsagan ng  hagupit ng bagyong Mario na nagpalubog sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Si Flores ay tagalinis sa tahanan ng biktimang si Sison.

Matatandaang tina­ngay nito ang pera at alahas ng biktima na tinatayang nagkakahalaga ng P500,000. 

Show comments