3 holdaper sa footbridge, tiklo

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga otoridad ang tatlong holdaper na nambibiktima ng mga commuters sa footbridge sa magkahiwalay na insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ang mga suspek ay kinilalang  sina Dante Santos, 23; Jason Ventura, 23, pawang mga taga-Barangay Payatas, at Benzon Vega, 21, no. 91 Capas St., Brgy Holy Spirit sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi nang unang madakip sina Santos at Ventura matapos holdapin ang isang Jenny Pumaren, 31, waitress, ng Barangay Fairview habang nagla­lakad si Pumaren sa Ever Gotesco footbridge
Humingi ng tulong si Pumaren sa mga nagpa­pa­trulyang tropa ng PS-6 at nadakip ang mga suspek.

Si Vega naman ay nadakip nang holdapin nito ang nakasibilyang pulis na si PO1 Richard Anthony, ganap na alas-8:00 ng gabi sa footbridge rin ng Commonwealth Avenue.

Show comments