Agawan sa kustomer: Porter inutas

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulisya na agawan sa kustomer ang dahilan ng pananaksak at pagpatay sa isang porter ng kabaro nito kamakalawa sa Quezon City.

Ayon sa pulisya na inaalam pa nila ang pa­ngalan ng biktima dahil mismong ang mga taong nakakasalamuha nito sa palengke ay hindi ito kilala.

Natukoy naman ng ilang saksi ang pagkakakilanlan ng suspek na alyas Michael na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat, dakong alas-10:20 ng gabi sa harap ng isang supermarket na matatagpuan sa Edsa, Balintawak, Brgy. Apolonio Samson nang makitang nakabulagta ang biktima.

Bago ito huling nakitang ng buhay ang biktima na nagkakarga ng produktong gulay sa isang van malapit sa Balintawak Market.

Ang biktima ay nagtamo ng tatlong tama ng saksak sa katawan na siyang ikinamatay nito at posibleng may matagal ng alitan ang biktima at suspek sa trabaho nila.

 

Show comments