Babae dumayo, dinedo

MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang babae  habang ito ay naglalakad sa isang eskinita sa Barangay Culiat, Quezon City.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa pagitan ng edad na 30-35, may taas na 5’2”,  may kaputian ang kutis, nakasuot ng skinny jeans,  blusang puti at katamtaman ang pangangatawan.

Sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi sa panulukan ng Sulu at Libyan Streets, Salaam Compound ng nasabing barangay nang pagbabarilin ang biktima ng hindi pa kilalang suspek.

Hindi kilala ng mga residente ang nasabing biktima kung kaya’t pinaniniwalaan na dayo lang ito sa lugar.

 

Show comments